Saturday, 7 June 2014

Krista Miller's Official Press Statement Transcript

Actress Krista Miller portrays Tricia on GMA's suspense / melodrama series Rhodora X issued her official statement regarding on visiting a highly profiled inmate "Ricardo Camata", rumored to bring drugs and had sex for ten (10) minutes.


The sexy starlet became emotional in the press conference where she aired her side against her visit to a high-profile inmate to be rumored they had a sex for ten (10) minutes.

Magandang araw po sa inyong lahat!

                Maraming salamat po sa pagpunta ninyo ngayon ditto para mapakinggan ang side ko sa controversy na kung saan, unfortunately, ay nabanggit ang pangalan ko.

                Sa totoo lang po ay sobrang nasasaktan ako dahil ang pakiramdam ko ay nagging biktima na naman ako ng maling speculation. Masakit po para sa akin na muling mapag-usapan na parang ang sama-sama kong babae. At mas lalong masakit po para sa akin na Makita ang mga magulang ko…ang pamilya ko na nasasaktan at naiinsulto nang dahil sa controversy na ‘to.

                Matagal po naming inisip kung ano ang karapat-dapat gawin…ang manahimik na lang ba ako o magsalita? Sa huli po, dahil wala naman akong dapat itago kaya’t nag-decide na rin ako na magsalita at harapin ang problema na ‘to hindi lang para sa akin kundi para na rin sa pamilya ko.

                Hindi po ako masamang babae, real estate properties ang ibinebenta ko at hindi ang sarili ko. Mas lalong hindi rin ako gumagamit ng drugs o kaya’y involved sa anumang illegal na Gawain.

                Ngayon pa lang po ako muling bumangon samantalang ipinagpatuloy ko pa rin ang pangarap kong maging artista gaya ng pagiging bahagi ko ng Rhodora X, hindi pa po stable ang kita ko kung ‘yon ang aasahan ko. ‘Yon po ang dahilan kung bakit naghanap ako ng fallback career at iyon nga po ang pagiging real estate agent.

                Since January lang po ay nag-aahente na ako ng mga properties. Hindi po madaling trabaho ‘yon gaya ng maa-attest ng iba pang real estate agents…kailangan kaming maghanap ng potential clients at mangulit. Kadalasan po siyempre, mapapahiya kami pero part po ng trabaho ‘yon. Mahirap pong trabaho ‘yon pero ‘yon lang ang alam kung gawing bukod sa pagpe-perform para kumita ng pera ng marangal at walang inaapakan.

                Kung masama po akong babae, hindi po sana ako nalagay sa “red line” for two months dahil hindi ko naabot ang monthy sales quota ko. Hindi ko napo ‘yon kailangan dahil maraming kliyente ang nag-o-offer ng indecent proposals pero hindi po ako ganong klaseng babae. Wala po akong mukhang ihaharap sa mga magulang ko kung gagawin ko ‘yon.

                Dahil kailangan ko pong maalis sa “red line” kaya’t sobra talaga ang effort ko na makapagbenta as long as wala akong masamang gagawin. Ito rin po ang reason kung bakit nagpunta ako ng hospital, para makumbinsi si Mr. Camata na bumili ng condo unit.

                Purely business po ang transaction namin ni Mr. Camata. Sabi kasi sa akin ng talent coordinator ko na nagbigay sa akin ng “sagala project” sa National Bilibid Prison kung saan nakilala ko si Mr. Camata, high profile daw si Mr. Camata kaya sabi ko baka pwede niya akong tulungan na mabentahan si Mr. Camata at bibigyan ko na lang siya ng referral fee na normal naman pong kalakaran sa trabaho naming. Iyon po ang dahilan kung bakit sinamahan ako ng talent coordinator sa hospital.

                Iyong isyu po na bawal pala siyang bisitahin dahil hindi ako family member at wala siyang clearance from DOJ na ma-confine, hindi kop o alam ‘yon. Uulitin kop o, nagpunta lang ako ‘ron bilang isang ahente ng mga condo units na nagbebenta sa isang potential client. Alam po ng opisina ko ang transaction na ‘yon dahil required po kami na mag-report sa office three times a week para malaman kung nakakapagbenta ba kami o hindi.

                Iyong pangalawang isyu po na hindi ako kinapkapan, hindi ko rin po alam na ‘yon pala ang tamang proseso. In the first place, dapat ‘yong mga jail guards na nandoon ng nag-initiate noon kung ‘yon pala ang dapat nilang ginawa. Wala po akong dalang drugs noon sa bag ko, ang dala-dala ko lang po noon ay brochures ng mga projects ng kompanyang pinagtatrabahuhan ko na gusto kong ipakita kay Mr. Camata.

                Iyong isyu rin po na naiwan kami sa loob ng room ni Mr. Camata for ten (10) minutes, gusto ko lang pong I-clarify na wala kaming ginawang makakadungis sa pagkababae ko. In fact, may pumasok po roong nurse at inayos ang kaniyang suwero. Ang pinag-usapan po naming ay ang mga condo units na inu-offer ko sa kanya.

                Wala po akong itinatago kaya’t willing akong makipag-cooperate para ma-clear ang pangalan ko. Uulitin ko po, hindi ako masamang babae. Real estate properties ang ibenebenta ko at hindi ang sarili ko.


0 facebook

Post a Comment